Ang Diyos mabait.
Oo totoo nga.
Sa dinami-dami ng mga maliliit at malalaking problema ko, lahat un sinagot Niya. Sa lahat ng bagay, maliit man o malaki, basta magmasid nang mabuti, makikita mo ang kabutihan Niya. Sa bawat problema na dumarating, napapatunayan Niya na Siya lang ang aking kailangan. Syempre, gumagamit Siya ng mga tao at bagay para mapunan ang mga pangangailangan ko. Sa Kanya nanggagaling ang lahat ng meron ako.
Bilang pagtugon sa Kanyang kabaitan, sisikapin kong maging isang mabuting anak Niya. Kung sakali mang may naisin ako na isang bagay na labag sa Kanyang kalooban, sisikapin ko na huwag ipagpilitan ang aking kagustuhan. Kung mayroon man akong tao o bagay na gusto na hindi Niya kalooban para sa akin, isasakripisyo ko ang mga iyon para sundin ang kanyang kalooban. Hindi bale na ang masaktan at mawalan. Sa mga problemang dumaan sa akin noong nakaraang taon, napatunayan ko na ang mga tao at pagkakaibigan ay naglalaho, ang pag-ibig ay lumilipas. Walang bagay na walang basbas mula sa Itaas ang nagtatagal. Pero ang pag-ibig Niya ay laging nandito lang. Wala akong ibang kailangan kundi Siya.
Ikaw, gusto mo rin bang maranasan ang kabaitan ng Diyos? Alam mo kasi, dati na Siyang mabait. Tingnan mo, ang mga kriminal nga nabubuhay pa kasi ubod na sila ng sama. Kasi gusto ng Diyos na mabigyan pa sila ng pagkakataon na tanggapin Siya bilang kanilang tagapagligtas. Kung sa mga kriminal mabait pa Siya, edi lalo na sa mga di kriminal na katulad natin.
Kaso may isang problema. Lahat kasi ng mga tao ay makasalanan. Tandaan, LAHAT TAYO ay makasalanan. Walang mabait-mabait. At dahil makasalanan tayo, hindi natin ganap na matatanggap ang Kanyang buong kabaitan. Bilang halimbawa may isang tatay na mabait sa mga batang kalye. Pero dahil sa hindi niya naman anak ang mga batang kalye, wala siyang responsibilidad para alagaan sila. At sa mga batang kalye naman, wala talaga silang karapatan na makatanggap ng pagmamahal mula sa tatay na iyon. Isa pang halimbawa, may isang kompanya na namimigay ng mga benefits kahit sa mga hindi nito kawani. Edi mas lalo na kung kawani ka ng kompanyang iyon! Lahat ng benefits makukuha mo.
Oo nga pala, dahil tayo ay makasalanan ay hindi tayo anak ng Diyos. Therefore, anak tayo ng diyablo. Anak tayo ni Satan. Kasi ang lahat ng hindi sa Diyos ay sa diyablo. Ganun lang kasimple.
So pano naman tayo magiging anak ng Diyos e mga makasalanan naman pala tayo at walang makasalanang tinatanggap sa langit?
1.) kelangan aminin natin sa ating mga sarili na tayo ay makasalanan. Bilang makasalanan, tayo ay nakatadhanang itapon sa impiyerno pagkamatay natin. Sa totoo lang, ang lahat ng tao mula ng isilang sila ay may kasalanan na at therefore, nakapila na papuntang impiyerno. (Pero dahil mabait ang Diyos, ang mga baby at inosenteng bata na walang kamuwang-muwang ay exempted sa kaparusahan na ito.) Walang mabait sa Diyos kasi lahat tayo ay nagkasala.
2.) pagkatapos na maunawaan na tayo ay mga makasalanan, kailangan nating humingi ng tawad sa Diyos para sa ating mga pagkakasala. Siyempre, kapag nalaman natin na mali tayo kelangan nating humingi ng tawad upang tayo ay mapatawad.
3.) kailangan nating tanggapin si Jesus bilang ating sariling tagapagligtas. Oo nga pala, si Jesus ang Diyos na nagkatawang tao at namatay para sa ating mga kasalanan. Namatay Siya sa cross para pagbayaran ang ating mga kasalanan. May hinihinging kapalit kasi ang kalayaan. Kung ikaw nga papayag na mamatay para lang mailigtas ang mga minamahal mo diba? Ganoon din Siya. Inako ni Jesus ang mga kasalanan natin para ang sinumang maniwala sa Kanya ay makasama Niya sa langit. Ganoon Niya tayo kamahal. Kahit buhay Niya ibinigay Niya nang walang pag-aalinglangan at walang pagdadamot.
Basta tandaan mo lang, namatay si Jesus para sa iyo. Kailangan mo lang aminin na ikaw ay makasalanan at walang magagawa para iligtas ang iyong sarili. Tapos, humingi ka ng tawad para sa iyong mga nagawang kasalanan. At panghuli, tanggapin mo Siya bilang iyong tagapagligtas. At paano nga ba ito gagawin? Basta sabihin mo lang kay Jesus. Alam mo un, ung tipong nakikipag-usap ka sa isang taong kaharap mo. Kasi naman lagi lang Siyang nasa paligid. Kasi nga diba Diyos Siya? Basta totoo talaga sa puso mo ang pagtanggap, magiging anak ka na Niya. Pero hindi ibig sabihin na anak na tayo ng Diyos ay hindi na tayo magkakasala ah. Tao pa rin tayo. Pero simula ng maging anak tayo ng Diyos ay binigyan na Niya tayo ng kapangyarihan para labanan ang kasalanan. Nabigyan tayo ng pagkakataon para gawin ang tama. Tao pa rin tayo. Diyos lang ang perpekto.
Madali lang diba? Magdadasal ka lang ng seryoso magiging anak ka na ng Diyos. Hindi mo na kailangan maging mabait, o mag-fast, o gumawa ng kahit ano. Kasi ang pagiging mabait ay bunga ng pagiging anak ng Diyos.
Hindi nabibili ang kaligtasan. Hindi pinaghihirapan ang kaligtasan. Kasi kahit anong gawin natin ay hindi ito sasapat upang mabayaran ang ating mga kasalanan. Kaya nga namatay si Jesus eh. Para Siya na mismo ang magdusa para sa atin.
Ang bait Niya diba?
So pano na? Tatanggapin mo ba Siya bilang iyong tagapagligtas?
Basta tandaan mo lang, ang hindi tumanggap kay Jesus bilang kanyang tagapagligtas ay ipinapaubaya na ang kanyang sarili kay Satan. Basta ganun lang un kasimple.
From a 3rd Century Historian: “…their bodies were frightfully lacerated. Christian martyrs in Smyrna were so torn by the scourges that their veins were laid bare, and the inner muscles, sinews, even entrails, were exposed”. (Westminster Dictionary of the Bible page 538)
Isaiah 53:5 But He was wounded for our transgressions, He was bruised for our guilt and iniquities; the chastisement [needful to obtain] peace and well-being for us was upon Him, and with the stripes [that wounded] Him we are healed and made whole.
The Word “healed” in this passage needs some clarity from the original language to properly illuminate the depth of His love for us. This word “Rapha” means to be made healthful and healed of personal distress. In many places throughout the Word this word “Rapha” has been used to describe spiritual healing, healing of the soul, and healing of the body. It’s a TOTAL healing. Jesus IS Jehova Rapha. HE IS total healing and wholeness…
When Jesus was nailed upon that old rugged cross, his bloody back, which was violently ripped wide open for your healing and my healing, seamlessy became a part of the total package of that cross and the miracle of salvation was about to begin…
Everything that Jesus died for has already been given to us. Healing is ours. Prosperity is ours. Wholeness in every way possible is ours. We don’t have to beg and plead with the Lord to heal us of our ailments. He willingly and lovingly gave us what we needed many centuries ago.
Our part is to accept His love and grace, act in obdeience to His commands, and receive our healing by faith with a heart of thanksgiving and praise to Jehovah Rapha….OUR HEALER…